wow.
Monday, April 12, 2010
Monday, April 12, 2010
hai naku, napaka iresponsable ko na sa blog ko.. ano ba yan, kaya di dumadami visitors ko eh. bahala na nga si batman, kung dadami visitors ko edi dumami pero kung hindi edi hindi. oo nga pala about dun sa mga nagtag sakin;
Coke; di ko po malagay yung sa comments eh =( nagugulo po yung layout ko... pero pag nakahanap po ako ng way, iiinform ko na lang pu kayo. tnx
Papabear; hello, sorry for not replying to your tags, im really busy these days :[ btw, thanks for always visiting my blog.
amp.. nag english pa ako ng bongga... *nosebleed*.. hahaha.. para yun lang nagnose bleed na.. makornii. well, kamusta naman kayong mga online friends ko jan? pati yung iba na nagvivisit sa blog ko, don't forget to tag lagi. yung iba naman kasi wala lang titingin lang sandali sabay layas na agad, kahit di nyo basahin mga bulok kong posts sana man lang magtag kayo kahit sabihin nyo lang 'hi' para naman mapasalamatan ko kayo sa pagvisit sa blog ko. [ops, di ako galit, sinasabi ko lang.] hehe. napansin nyo naman siguro wala akong mabigay na title dito sa post ko kaya 'wow' na lang nilagay ko. napakanoob ba? =D blogger nga ako pero kung magpost ako parang di man lang pinag iisipan nohh.
ah sa wakas nakaisip na rin ng topic, ayun, nagsusulat nga pala ako ng story. anime story sya eh pero di naman ako writer tsaka translated sya in english. hmm.. siguro pag natapos ko na, gagawa na lang ako ng isa pang blog tapos dun ko ipopost, syempre dapat magsubscribe kayo. ;] hehehehe. sana pumatok. ayun nga wala pa ako sa kalagitnaan ng storya, pero mahaba haba na rin naisulat ko, mga 5 pages pa lang naman ng notebook xD . take note, ang main characters pala dun ay sila Miku Hatsune at Kaito . [kilala nyo?] kung hindi, isearch nyo sa google images. napansin ko kasi wala pa silang anime series nun or kahit manga man lang kaya gumagawa na lang ako ng story.. anong malay natin baka sumikat? tapos gawan nila ng manga? tapos sunod iconvert na nila na anime!!! xD wowww!!!! grabe siguro pag nangyari yun magiging masaya na ako sa earth! hahaha. syempre, ako nagsulat sisikat ako sa japan. oh watta dream. mataas masyado pangarap ko para sa isang 14 yr old na katulad ko. pero wala naman masama. hahah. di ko nasabi daydreamer pala ako. about pala sa story, wala pa akong nabibigay na matinong title, pero its about romance, and showbiz life? basta yun. ako na bahala, ipopost ko din yun BALANG ARAW.! siguro after 25 years ;] jowk. ewan, di ko alam kung kaylan ko matatapos, kasi minsan sinisipag ako magsulat, minsan tinatamad.. di nga talaga ako bagay maging writer, kahit mangaka di rin kasi ganun din nasa mood lang pag nagdrodrawing ako. ahm, some kind of preview nga pala para magka idea kayo kung sino si Miku Hatsune;

pero di naman yan yung literal as in original na miku hatsune, fan art lang din yan ng ibang tao pero kung ihahambing mo sa miku hatsune sa story ko, parang ganyan sya :P