<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d3678943122043598739\x26blogName\x3d:iM+CHALiNE:\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://imchaline.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://imchaline.blogspot.com/\x26vt\x3d-7619863029881259413', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
HELLO
Hi, Welcome. Welcome sa blog ko! Kahit medyo boring itong blog ko, sana maenjoy nyo pa rin basahin mga post ko :]
Be an angel and not devil. Kung ayaw nyo naman magpakatao, click nyo na lang toh: X

FreeStatsCounters.com
webcopy writers

LINK ME?
ImChaline

CHALiNE
Chaline. Existing for already Thirteen years. chinese/filipina. Cavite, Philippines. a student, blogger and daydreamer. =3

MORE ABOUT ME?

CONTACT ME

CONTACT
My Facebook My Friedster My twitter My Deviantart My  Photostream

CREDITS

BACKGROUND. 1
BRUSHES. 1 2 3
DESIGNER. shotgun
MISC. imageshack blogger Tinypic Photobucket


LINKS
Etchozeras || Thon || Tricia || Finkalixious || Grysh || IamJen || Ayah || Coke || Joshua || Sharmaine

TAG

HEAR THIS

Creditsto FlashWidgetz.com.

Tinierme
Friday, April 30, 2010 Friday, April 30, 2010

what the... ilang days na ako di nakakapagpost T^T aaminin ko na tinatamad ako magpost at isa pa, may game akong pinagkakaabalahan. kayo jan kung di nyo pa alam yung tinierme; laro yun interactive online lang sya di na kailangan idownload. magcrecreate ka ng character mo tapos pwede ka makipagchat and makipag friends. pwede ka din makipag trade and etc. masaya yung laro na yun kaya nga parang naaadik ako. eto click nyo yung link; Tinierme.com .At tsaka paki add nga pala ako, Kyoumi yung username nung isa kong account tapos yung pangalawa PRiNCESS AYONO. yun lang sana iadd nyo ako. :) just dropped by para kamustahin kayong lahat. fortunately, madami akong friends sa tinierme kaya nga sobrang nag eenjoy ako dun eh. join na din kayo, makikita nyo ako palaging online kung saan saang chat room ng pinoy. lol. :D heheheh. yun lang muna sa ngayon. next time i'll give you a snapshot ng character ko sa tinierme and some happy moments ko sa tm. awkei.
Edited Pics
Saturday, April 24, 2010 Saturday, April 24, 2010

mgandang hapon. :) puyat ako ngayon hahaha. kagabi, ay mali, kaninang madaling araw pala, nakikipagchat ako sa classmate ko si ArKelly tsaka sa best friend kong si Vienne. grabe ang tagal kong naka-OL sa fb, kung hindi lang talaga naghang itong epalugz na laptop, edi sana di pa ako natulog. xD hahaha. natulog ako mga bandang 3:00am or 4:00am[tulog pa ba yung ng teenager?] ..haii naku, ang tigas nga ng ulo ko grabe, pinapatulog na ako ni mama pero di pa rin talaga ako natulog tsaka pag papasok sya sa kwarto, clinoclose ko lang yung laptop tapos yuyuko ako[para kunyari akala nya tulog na ako x] ang sama ko. hmm kaya siguro minsan parang nahihilo ako tapos nagdidilim pa sight ko. :( minsan nga di ko na lang sinasabi kay mama kasi pag sinabi ko, papagalitan nya lang ako, sasabihin nya lang na matulog ako tuwing tanghali, eh yun ang pinaka ayaw kong gawain, feeling ko kasi nauubos yung oras ko at parang bumibilis ang araw pag natutulog ako, isa pa, pag natutulog ako ng tanghali, gabi na ako nagigising. badtrip. xD .
anyways, regarding the edited pics, eto na muna yung edited pics sa Kaze no stigma










[p.s. niresize ko lang yang mga yan sa html kasi nag ooverflow sa blog ko xD hahahaha. pero yung totoong size nyan malalaki :) tsaka before i forgot, please do not steal/grab :] wag nyo na din itry na humingi ng permission sakin kasi hindi ko pinapagamit mga pics na inedit ko for personal use like sa site, or sa blog, etc. never repost this pics. originally dapat na nandito lang sya sa blog ko . yun lang. please respect if you don't want me to kick your ass. hahaha. jwk]

well, this day sure is full of discoveries. madami akong nalaman na di ko inaakalang malalaman ko lalo na dun sa mga taong yun. basta the lesson for today is; don't judge the book by its cover.
ayun lang. thanks for reading.
some photos
Friday, April 23, 2010 Friday, April 23, 2010

[tarush.!] sorii po late na nakapag post heheh. i tried my best para makapagpost :] imbis na manuod na lang ako ng diva, eto ngayon nagpopost ako.. tsaka eto nga pala, i've brought some good news, may router na kami xD ayyiee.. sa wakas masosolo ko na din itong laptop. [nyahaha] tsaka may ishe-share lang pala akong mga pics pics, kaetchozan lang. proof lang yun para makita nyo naman yung mga dahilan kung bakit kahapon konti lang yung post ko at kung bakit ngayon ay late na ako nagpost :D
Yesterday

umalis kami ni Mama sa bahay ng 1:00pm tapos bumiyahe kami ng pagkatagal-tagal, bumaba kami sa unahan ng Coastal Mall tapos pumunta kami sa Plaza Fair, kumain kami sa KFC, may pics pa nga ako eh :]

oh diba... ayan yung balot nung kfc rice tsaka umepal lang yung lipgloss ko ;]


ito naman wala lang kaetchozan lang, lumabas kasi si mama sa kfc sandali, ayun wala akong magawa, nagpicture picture konti.. feeling ko ang cute ng nails ko pag mahaba


Favorite pic of yesterday! :) i luv it. lipgloss and maxx candy, ininvert ko lang sya sa editor. ankyut talaga!! =3 hihi..


nag ikot-ikot konti, binilhan pa nga ako ni mama ng maliit na grey blazer x3 hihi ang cute, P100.00 lang. then dumiretso na kami sa Going Straight salon, nagpa-hot oil kami ni mama tapos dumating sa salon si Ate Nadia[friend ni mama]. Nagchikahan sila ng ilang minuto kasi basa pa yung nail polish ni mama, nung natuyo na, umalis na kami, pumunta kami sa J.Victor tpus nakipagkita sa mama kila Ate Lani tsaka Ate Angel[friends nya ulet] tapos naglwentuhan ng matagal-tagal. Ako naman, sinuswerte buti may unlicall pa ako kaya nakipagchikahan din kila Rosanne, Regine at Denise[mga ka-etchozera ko] tapos nun nagpasundo na si mama sa driver namin, hinatid kami sa Naia Airport,, naghintay kami ng matagal dun, yun pala dumating na yung susunduin namin, wala pala sya dun sa airport na yun, nasa terminal 2 pala sya xD ahhahaah. edi nagpasundo kami kay manong, ayun nahagilap na namin yung isa dun sa terminal 2, bumiyahe na pauwi, nagdrive-thru sa mcdo para umorder ng 2 big-mac at 5 cheese burger. [yung isang big mac sa akin yun ha. pero gutom pa rin ako pagdating sa bahay.] tapos pagdating naman sa bahay kumain pa ako ng Mango float, ayun lastly natulog ;] datz ol!


Today:
today is da day. nyahaha. ayun, ang daming ring nangyari. pagkagising na pagkagising ko, binabaha ako ng pawis ko. grabe ang init sa kwarto ko,, di ko na natiis edi bumaba na ako. ayun, nag-agahan, nuod tv, naligo, kumain ng lunch tapos nagready na kasi pupunta kami ng SM Dasma. pagdating sa sm, nag-quantum kami ni bb[lil sis]. P100.00 sakin, P50.00 kay bb xD hahaha. ayun, di naman masyadong enjoy, boring actually.. wala naman mga dabarkads dun. hmphh. tapos maglaro, nakita na namin sila mama then nag grocery na, bumili na ako ng sabon at ng cream ko sa fez. ayun, nag antay kami kay manong dun sa may taxi lane tapos diretso umuwi na. pagkauwi, nagluto kami ng Lemon Chicken tsaka Chopsuey[ako nagluto nyan. ang sarap sayang di nyo natikman! special chopsuey w/ quail eggs, kikyam at squidball. nummy!] pagkatapos lumaphung, pahinga konti taz ayun inassemble yung router tapos etoh na nagpopost na sa blog. kabam. ang daming nangyari nohh? etohh nga pala may pic ako ng mga pinagbibili namin sa supermarket;

ang bigat kaya nyan. ang dami kainis, ako pa pinagtulak ng cart, pang ilang buwan na kaya yan?

yan lang ;]
Kaze no Stigma
Wednesday, April 21, 2010 Wednesday, April 21, 2010

how are you na guys? sorry kung di ako nakakapagpost, busy lang talaga sa panunuod ng anime.. na naman sa panibagong anime: Kaze no Stigma eheheh.. panuorin nyo, ang ganda nakaka inlove :D hahaha. bagay na bagay sila Ayono at Kazuma. great anime. please watch, action romance.
uhm well, sasandali lang ako, di ko na masyadong papahabain itong post na toh kasi aalis kami mamaya pupunta kami sa salon, makikipag meet sa friend ni mama then didiretso sa airport, may susunduin lang naman kaming importanteng tao ;) well, nakaligo na ako, magbibihis na lang ako tsaka kakain. siguro next time na magpost ako, ipopost ko na din yung article about sa kaze no stigma at yung mga luvluv pics nila Ayono at Kazuma heheheh. stolen! nyahahaha. anyways, next time na lang ulit. pasensya nga pala dun sa mga di ko nareplyan sa facebook chat, uber nagmamadali lang. churiii~
new layout again!
Monday, April 19, 2010 Monday, April 19, 2010

inabot ako ng 2 years sa paghahanap ng bagong layout! at 10 years sa pag aayos ng 'More About me' ko xD bago na sya in fairness i like it na! tsaka about sa bagong layout, im in luv with it. kung di nyo type bahala kayo. basta ako gusto ko yung bagong layout kasi adik ako ngayon sa retro.
sana worthful yung pag aayos ko sa more about me ko.. please check out nyo naman kung may time kayo.. medyo tag-lish nga yun eh.. yung ibang taga outer space maiintindihan nyo naman siguro yung iba dun sa mga nilagay ko. ayun, ang daming taga st.francis ang online ngayon sa facebook . speaking of classmates, birthday pala ngayon ng classmate ko na si Racel. gosh, iniinvite pala ako nung mama nya na pumunta sa bday nya.. eh masyado akong busy, bukod pa dyan wala akong panregalo, wala akong pamasahe, wala dun yung iba kong ka-etchozera, wala ako sa mood at nag-away kami nung racel na yun. hahaha. akalain mo yun? ayoko lang kasi yung mga paimportanteng tao, at ganun sya.! haha. well, nevermind, di naman sya serious na away pero i don't mind it. kunyari na lang walang nangyari ;] ang bait ko talaga masyado akong forgiving. hahahahahhaha. jowk! well, basta ireremind ko ulit, tingnan nyo ulit yung more about me ko kasi nag effort ako dun ng todo. papalitan ko pa yung color ng tagboard ko. :) buong maghapon na akong nakaupo dito sa harap ng comp at sa katunayan di pa yata ako naliligo.. hehehe. ang init na, trip ko na maligo pagkatapos nitong post na toh.
para naman sa mga
minamahal kong kalink exchange;

kamusta naman kayo? di na yata kayo nagpaparamdam huh..well good luck sa ating mga blog.

remind ko lang yung Bakemonogatari, isang episode na lang at matatapos ko na sya.!!! di ko mahanap kahit saan yung last episode, episode 15. tsubasa cat part five x[ grr.. please kung sino man sa inyo ang nakakaalam kung san ko yun pwedeng panuorin ng online stream or kahit download, please iinform nyo ako sa tagboard :D naadik na talaga ako sa anime na yun, nakakahook up talaga sya kaya sana panuorin nyo din kung may time kayo :) nice choice, kung mahilig kayo sa conversational shows, Bakemonogatari ang magandang panuorin :D
yan lang muna ngayon, pagod na ang aking brain, kanina pa ako paikot ikot dito sa net.
visitorz.~
Saturday, April 17, 2010 Saturday, April 17, 2010

arr.. may mga bisita kami ngayon.. at ang dami nila, siguro mga 5 sila [oo madami na yun para sakin!]. .. tatlong babae, dalawang lalaki. lol. ano ba yang bahay namin dinagsa na ng tao. pero okei rin naman paminsan minsan pag may bisita kasi may benefits din naman. una sa lahat; busy si mama sa pag eentertain ng mga bisita kaya di nya kami pinapansin kung ano mang kabulastugan ang gawin namin, pangalawa; pag may hiningi kami kay mama, halos ibibigay nya yun ebrithing basta meron sya nun, kagay nang kapag gusto ko magpaload, bibigyan nya ako ng pera pampaload. hahah. pangatlo; nagkakaroon ako ng madaming time at walang palya sa pagcocomp kasi di nya ako inuutusan ng inuutusan[tamad ako oo sobra!], pang-apat; di ako naboboring sa bahay at hindi ako nabibingi sa katahimikan ng aming lugar. lol. at last but not the least, pang-lima; ang sasarap ng ulam namin x3 kasi, tuwing may bisita kami, para kami diutong may birthday party, nagluluto sila ng machacharap na pagkain. yummeh! ang takaw ko nga sa mangga eh, nagdala kasi sila visitors ng isang malaking supot ng manggang kalabaw. aw asim!
tahimik dito sa street namin eh, puro ibon, hangin at mga tunog ng dahon lang maririninig mo. ahhahaha. [anu yun bundok? woops. di kami taga bundok, talagang ganito lang sa subdivison na tohh..]
tsaka... guyz may napapansin ba kayo sa counter ng blog ko? o baka naman di nyo napapansin dahil di na nag-aappear yung counter? please inotify nyo naman ako kung sakaling di sya nag-aappear kasi concious lang ako, para maayos ko, sayang naman yung number ng hits ng blog ko :P hihi. nagtataka lang ako, baka dahil lang yun sa connection dito samin or baka talagang di na sya nag aapear dahil nagiba yung codes. xD
new haircut

Hanep! 2 days akong hindi nagpost! grabe na ang katamaran ko... nitong mga nakaraang araw, naiisip ko na wala namang gaanong interesadong magagawa sa net.. halos lahat ng gusto kong matutunan, natutunan ko naman na, lahat ng gusto kong magawa sa web nagawa ko na.. ano pa bang pwede kong gawin na sa tingin nyo ay di ko pa nagagawa? eto yung mga bagay na nagawa ko na sa tagal ko nang nagnenet surfing: friendster, facebook, games, webdesign, blogging, pic editing, download ng songs and pics, search for something na hindi naman mahalaga, chat chat with friends, watch animes.....
hmmmmm...... ano ba? ano pa ba? pwedeng magsuggest naman kayo. wag lang kayo magsusuggest ng bagay na di ko magugustuhan, kung hindi ipapahiya ko kayo dito sa blog ko, fb at friendster xD hahahahah [ang sama].
ayun, sabi nga ng title 'new haircut'.. yung hair ko dati mahaba sya, abot bewang.. ngayon todo ang iksi nya na hanggang balikat tapos pinanipisan pa ni mama dun sa nag gupit sakin.

in fairness, feeling ko bagay sya sakin


bagay ba sakin yung bago kong hairstyle? [magtanong daw ba..magsinungaling na lang kayo.] hahahaha. jowk lang syempre.. sabihin nyo sakin yung totoo kung bagay ba sakin or hindi. yung opinyon nyo ha, hindi dahil sa yun ang answer ng iba, yun na rin ang sasabihin nyo sakin. xD ayoko nun! lol. basta, just tell me da truth, if you want to live longer. haahhahaha. warfreak. in fairness okay lang naman tsaka grabe ang tagal namin dun sa salon, kainis. an sakit ng p_w_t ko, sa tagal ko ba namang nakaupo. hahahahha.
habang wala ako dito sa earth of blogging, meron naman akong latest chika na nasagap, well, not actually chika pero kasi ganito yun: one day, nag online ako sa facebook, and then, may guy na nagchat sakin. sabi nya "hi".. edi sabi ko "hello". tapos ang tagal nyang magreply, inabot ng 1 or 2 minutes? tapos bigla syang nagreply sabi nya "i love you" o.O [omg]. nung una kong makita yung sinabi nya, parang no reaction ako tapos bigla kong narealize yun pala yung sinabi nya saka lang ako nashock. late reaction, in fairness. lol. basta yun,,.. eh syempre, may experience na ako sa ganyan, papauto pa ba naman ako sa chat? edi sabi ko sa kanya, "lokohan ba?" yun ang nireply ko. eh kasi di ko naman sure kung seryoso sya diba, ayoko naman magmukhang tanga. pagkatapos ko tanungin kung lokohan ba yun, di na sya nagreply. gosh. pero okay lang, iwas problema na rin yun. dati ko syang classmate sa first year pero di ko na imemention pangalan nya, baka naman mapahiya sya pag may nakabasa. kaawa ahahah. tsaka ayoko nang maging komplikado yung sitwasyon, anong malay natin baka wrong send lang pala yun? or baka naman nang tritrip lang sya diba.. ? kaya kayo jan sa tabi tabi, pag may nagsabi sa inyo ng "i love you" sa chat or sa text, kahit crush or first love nyo pa ang magsabi sa inyo, wag kayong papauto kaagad, isipin nyo munang mabuti kung para sa inyo talaga yung message na yun, baka naman wrong send lang yun xD hahaha or baka naman nangloloko lang sya diba..
ayun, dats ol for nau. ;]
Comment widget
Wednesday, April 14, 2010 Wednesday, April 14, 2010

hello guys! nagbabalik na naman ako. ;] heheh. well, happy lang ako kasi nakagawa na ako ng paraan para sa comments. alam nyo na, yung nakikita nyong post sa ilalim ng post na toh, yun yung comment widget, please umpisahan nyo nang magcomment :D haha. pasensya na kung walang individual widget sa bawat post, eh wala hanggang jan lang kaya ng powers ko. lol. nakalimutan ko na kung pano gumawa ng pop-up tsaka ayaw gumawa sa iframe. ngengotz. sa baba naman ng post na toh yung sa dulo may nakalagay na 'Comments' diba? link yun, pag clinick nyo yun mapupunta kayo sa comment page, sa ngayon kahit di nyo na iclick kasi nanjan na sa baba yung comment box. xD
ayun, medyo nakakainis lang tong araw na tohh. .. di nyo pa siguro alam pero ayoko sa lahat yung bang parang narereject ako, di naman in terms of something na iniisip nyom yun bang example, sinabihan mo akong tumawag sayo, edi pag tumawag ako sinagot mo naman tapos sasabihin mo na 'ui mamaya ka na tumawag, may tumatawag din sakin na importante', tapos pag tinanong ko kung sino di mo sasabihin.. yun bang parang, anu yun, gano ba yun kaimportante? papatawagin mo ako tapos ganun sasabihin mo? sana di mo na lang sinagot kung ganun diba?.. tapos isa pa jan yung mga palusot technique, na malolowbat na cellphone mo, ikaw na lang tatawag sakin, eh bakit kailangan pa ako paghintayin, halos abutin na lang ng gabi wala pa ring tawag, eh bakit nanjan ka lang naman sa bahay nyo bakit di mo icharge diba? anu sa tingin nyo?
...haiii. whatever, nevermind. another news, may bago na akong affiliate! yeyy! visit nyo si Sharmaine sa site nya, blog din yung :D maeenjoy nyo ang cute ng site nya. heheh. tsaka napansin ko lang, yung album ko sa facebook dinadagsa ng comment. lol. from my friends lang din yung mga comment. hahah. pero happy ako, ang daming 'appreciation'. gusto ko lang ipaalala, madaming nagagawa ang photo editing ;] hihi.
Comments!

comment comment lang :]
wow.
Monday, April 12, 2010 Monday, April 12, 2010

hai naku, napaka iresponsable ko na sa blog ko.. ano ba yan, kaya di dumadami visitors ko eh. bahala na nga si batman, kung dadami visitors ko edi dumami pero kung hindi edi hindi. oo nga pala about dun sa mga nagtag sakin;
Coke; di ko po malagay yung sa comments eh =( nagugulo po yung layout ko... pero pag nakahanap po ako ng way, iiinform ko na lang pu kayo. tnx
Papabear; hello, sorry for not replying to your tags, im really busy these days :[ btw, thanks for always visiting my blog.


amp.. nag english pa ako ng bongga... *nosebleed*.. hahaha.. para yun lang nagnose bleed na.. makornii. well, kamusta naman kayong mga online friends ko jan? pati yung iba na nagvivisit sa blog ko, don't forget to tag lagi. yung iba naman kasi wala lang titingin lang sandali sabay layas na agad, kahit di nyo basahin mga bulok kong posts sana man lang magtag kayo kahit sabihin nyo lang 'hi' para naman mapasalamatan ko kayo sa pagvisit sa blog ko. [ops, di ako galit, sinasabi ko lang.] hehe. napansin nyo naman siguro wala akong mabigay na title dito sa post ko kaya 'wow' na lang nilagay ko. napakanoob ba? =D blogger nga ako pero kung magpost ako parang di man lang pinag iisipan nohh.
ah sa wakas nakaisip na rin ng topic, ayun, nagsusulat nga pala ako ng story. anime story sya eh pero di naman ako writer tsaka translated sya in english. hmm.. siguro pag natapos ko na, gagawa na lang ako ng isa pang blog tapos dun ko ipopost, syempre dapat magsubscribe kayo. ;] hehehehe. sana pumatok. ayun nga wala pa ako sa kalagitnaan ng storya, pero mahaba haba na rin naisulat ko, mga 5 pages pa lang naman ng notebook xD . take note, ang main characters pala dun ay sila Miku Hatsune at Kaito . [kilala nyo?] kung hindi, isearch nyo sa google images. napansin ko kasi wala pa silang anime series nun or kahit manga man lang kaya gumagawa na lang ako ng story.. anong malay natin baka sumikat? tapos gawan nila ng manga? tapos sunod iconvert na nila na anime!!! xD wowww!!!! grabe siguro pag nangyari yun magiging masaya na ako sa earth! hahaha. syempre, ako nagsulat sisikat ako sa japan. oh watta dream. mataas masyado pangarap ko para sa isang 14 yr old na katulad ko. pero wala naman masama. hahah. di ko nasabi daydreamer pala ako. about pala sa story, wala pa akong nabibigay na matinong title, pero its about romance, and showbiz life? basta yun. ako na bahala, ipopost ko din yun BALANG ARAW.! siguro after 25 years ;] jowk. ewan, di ko alam kung kaylan ko matatapos, kasi minsan sinisipag ako magsulat, minsan tinatamad.. di nga talaga ako bagay maging writer, kahit mangaka di rin kasi ganun din nasa mood lang pag nagdrodrawing ako. ahm, some kind of preview nga pala para magka idea kayo kung sino si Miku Hatsune;

pero di naman yan yung literal as in original na miku hatsune, fan art lang din yan ng ibang tao pero kung ihahambing mo sa miku hatsune sa story ko, parang ganyan sya :P
new layout!
Sunday, April 11, 2010 Sunday, April 11, 2010

ahhmmpp.. guyz sorry ang tagal ko di nakapagpost.. :[ sorii lang.. uber busy lang talaga, another news, inasikaso ko pa yung blog ng etchozeras.. haiiixxtt.. hirap aman ang dami kong papel sa buhay [ahahahah]. xD well, okay naman nitong mga nakaraang araw.. uhm share ko lang pero di ko na babanggitin yung name nya, .. kahapon may nakaaway ako, kapwa etchozera ko din.. hmmpphh, kala ko nga masisira na monthsary ng mga etchozera. ops, speaking of monthsary, bukas na pala ang tumatangingting na monthsary namin ng mga minamahal ko ka-etchozera.. may [online gift] nga pala ako para sa mga kaetchozera ko, since di naman kami magkikita kita, wala akong mabibigay ng gift na materyal.. :[ isa pa, wala naman akong pera.. alam ko medyo cheap pero nag effort din naman ako kahit papano jan;

Magkalayo man tayo,
Still, I'll be a friend..
Magalit ka man sakin, nandito pa rin ako...
Kalimutan mo man ako, you'll stay sa puso ko...
At magbago man ang takbo ng mundo, ikaw pa rin ang kaibigan ko!
Happy 8th Monthsary Etchozeras! I love you guyz!


sana naappreciate nyo kahit papano pero kung sakaling di nyo nagustuhan, maiintindihan ko din naman, xD haha syempre napaka-etchoz nga naman. well, be happy na lang kahit di tayo magkita kita, maging masaya na lang kayo para saming mga iba nyong ka-etchozera.
Konata Fetish
Wednesday, April 7, 2010 Wednesday, April 7, 2010


Hello sa lahat ng nagbabasa!! well, mukhang di lang halata pero may sakit talaga ako ngayon, ..hmm teka ano ba yung tawag sa sakit na tohh.. ah ayun naalala ko na, uhm "Konata Fetish".. ayun.. kasalukuyan ako ngayong naaadik sa isang cute na character na nagngangalang 'Konata Izumi' na galing sa palabas na 'Lucky Star' x3 eheheh.. ang cute cute cute nya diba?! super,, hihi. .hmph, nagpost nga pala ako sa blog ng Etchozera.. may kakaunti akong mention ngayong araw na itech..
Etchozeras; maawa naman kayo sa blog natin, magpost naman kayo please lang?.
Chay; tenkx sa compliment mu =3 heheh.. ano amusta naman kau ni ge.. chosz! lol. ahm, narereceive mo na messages ko??


Yan lang mention ko.. continue ulet sa topic natin, since adik ako kay konata, parang gusto ko yata magpalit ng layout,.. kaso di ako makahanap ng konata layout, or kahit lucky star lang.. :[ kaasar naman. speaking of 'lucky', may naalala ako.. namimiss ko na si,.. hmm.. tawagin na lang natin syang, "Lucky Guy". yun. heheh. namimiss ko na si Lucky Guy! wow, how lucky. kung sino man yun, napakalucky nya dahil namimiss ko sya. ahihi. nothing interesting ulit. da earth is boring na, baka kaylangan na natin lumipat sa 'Neptune'. plano na namin yan ng mga katroopz ko.. kaso di pa gawa yung space shuttle namin, wuahahahahahaha xD
exercise :)
Monday, April 5, 2010 Monday, April 5, 2010

wew~ umagang umaga pagod ako ngayon ah.. pagod talaga abot langit.. nag jogging kami, extreme jogging, mula 4:00am hanggang 7:00am ng umaga.. grabee nohh?? eh kasi nag explore kami.. wow mweganun? oo tama may ganun nga.. ngayon ko nga lang napansin pero meron pa palang part ng subdivision na tohh ang di ko pa napupuntahan, kaya ayun pinuntahan namin.. ay lintik naman eh sobrang haba ng nilakad namin, death march ulit,.. pero okay lang kasi di pa naman gaanong mainit. tsaka tiniis ko na lang.. alam mu na, pampawala ng mga taba taba jan..heheheh..
maaga kami nag umpisa, madilim pa nga eh, nag jogging kami sa phase 4. lol. ang dilim grabe xD katakot nga ehh.. pero okay lang, sa ngalan ng pagpapapayat gagawin ko lahat. anjuk! hahahahah... well, happy naman ako ngayon kasi nagresponse na yung mga ininvite ko makipag link exchange.. yung iba di pa, eh bahala sila.. di ko kawalan yun. madami pang pwedeng kalink exchange bukod sa kanila. haii nku. balang araw dadami din visitors ko at makikita nyo.. ahhahahah xD basta, madami akong hiling ngayon na wala namang katuparan.. isipin mo naman, gusto ko makita yung mga friendships ko nitong first year, pero ibig sabihin nun, may pasukan na once na makita ko sila.. gusto ko sila makita yung tipong may pera pa rin kami tapos wala kaming gagawin kundi gumala tsaka kumain at magdaldalan kasama sila. eh wala akong magagawa mga polobzz kami eh.. =[ eto nga ngayon walang matinong makatext. katext ko ngayon yung classmate ko, si regine. eh mamaya bandang 2:08pm mag eexpire na unlitext ko. potek. haii nku. eh di rin naman nagtext yung mga taong ineexpect ko na magtetext. nakakainis talaga, tuwing ang taas ng expectation ko, di sila nagtetext, tuwing nman parang nawawalan na ako ng pag asa sa earth, nagtetext sila.! ano bang problema nila?! haixxtt.. isa pang ikinagagalit ko, meron lang naman akong mabubuting katext/kaklase/kaibigan na nag gGM pero pag tinext mu naman, di ka rereplyan.. anong klase yun? epal lang.. edi sana kung sino lang yung gusto nila makatext, dun lang nila sinend yung GM diba?! kaysa naman yung nagmumukha kaming tanga dito.[sorry for da word, nagiging prangka lang].
hmmpphh...hay nako, tama na nga yan, naiistress ako.. hahaha.. bago ko pa makalimutan, meron nga pala akong pinagkakaabalahan ngayon na anime movie. hehehe, maganda sya, ang cute ng story, pag unang beses nyo mapanuod, siguro iisipin nyo bloody sya tsaka violent pero hindi naman,..may romance, comedy.. pero oo minsan medyo madugo.lol. pero okay lang naman yun. maganda yung story kasi ang cute ng boy tsaka girl protagonist. =3 eheheh.. eto pala yung info:


Title:BAKEMONOGATARI

Bakemonogatari centers on Koyomi Araragi, a third year high school student who is almost human again after briefly becoming a vampire. One day, a classmate named Hitagi Senjōgahara, who infamously never talks to anyone, falls down the stairs into Koyomi's arms. He discovers that Hitagi weighs next to nothing, in defiance of physics. Despite being threatened by her to keep away, Koyomi offers his help, and introduces her to Meme Oshino, a strange middle-aged man living in an abandoned building, who cured him of being a vampire.

The series tends to introduce only one new heroine per chapter, each involved with a different "apparition". Most of them have an item which symbolises their spectres, such as Hitagi's stapler - the claw of a crab, Mayoi's back pack - the shell of a snail, Suruga's leggings - SARUMATA (猿股?, the Japanese traditional underclothing. 'SARU' means monkey), and Nadeko's big hat and baggy jacket - the head and skin of a snake. The events of the previous chapters play an important role in the subsequent ones. The series primarily focuses on conversations between characters; it contains a fair number of parodies of other series, as well as Nisio Isin's trademark word play and metahumor.
ay grabe..
Sunday, April 4, 2010 Sunday, April 4, 2010

ang dami ko nang nakakalimutan gawin sa buhay ko. ano ba yan.. haiiixxtt.. wala naman gaanong nangyayaring maganda na pwede kong ipost dito sa blog ko. bulok nga ba talaga blog ko? [pls magsinungaling na lang kayo para sakin..] jowk.. alam ko naman sa sarili ko eh.. pero ano naman, kaya nga ako nagpopost dito para ishare yung mga pang araw araw na pangyayari sa buhay ko. sorry nga pala kahapon kung di ako nakapagpost, busy kasi eh.. Pumunta kami ng mama ko at mga siblings ko sa SM Pala-pala, .. ayun, nag-Quantum lang kami. 100 sa kapatid ko, 100 din sakin, 50 naman sa bunso ;] ..ayun masaya naman in fairness.. nagpadami kami ng token tsaka ng tickets, ..do far nakakuha kami ng 188 tickets lang.. siraulo naman yung ibang games dun sa quantum, bigla na lang nilalamon yung token tapos di pa rin pwedeng maglaro .!! sabi pa rin (insert 1 token).. lintik na yan.. sarap gibain.. di bale nag enjoy naman kaso nga lang may naaalala akong happy moments dun sa 'Quantum' na yun.. lalong lalo na dun sa.... sa... Nevermind! nevermind na nga lang! di naman yun karapat dapat mabasa.. hehehe ;] tapos nun nagpunta kami sa Department Store, bumili kami dun ng kaek-ekan, mga pampaarte.. cosmetics, mga ganun.. tapos kumain kami sa Max's.. may naalala na naman akong memories dun.. ang tagal nga namin naghintay nung pagkain.. kainis.. gutom na gutom na ako eh., tapos ang ingay ingay pa namin dun sa Max's ,, kami na pinakamaingay dun, nakakawalang poise kami.. hahaha.. lakas namin tumawa tapos ang iingay pa ng mga kapatid ko.. bonggang bongga feel at home kami.. ahahahhahaha.. well, pagkatapos naman namin kumain, busog na busog naman :D nung gabi pag uwi namin, di pa ako natulog kaagad, nanood muna ng Rated K tapos nung wala nang magandang palabas na mapapanuod, edi matutulog na kami.. siguro quarter to twelve na nung natulog ako kasi nakipagtext text pa ako sa mga kaklase kong minamahal.. at sa kabutihang palad, yung mga taong nakatext ko lang ay sila Kenneth at Denise . Buong araw puro sila lang katext ko, pati din si Rosanne.. ayun natulog na lang ako nung di na kinaya ng powers ko.. wuahahahah
Ang saya ko pa ngayon kasi niyayari namin ni Kenneth si Rosanne.. i mean, niloloko namin sya na kunyari galit ako sa kanila kasi may ginawa silang, di gaanong kanais nais, pero okay lang 'April Fools' naman eh.. ganito na talaga pag wala nang magawa sa buhay, mangtrip ng kaibigan, manloko at mang asar.. pero at least mas matino pa yun kaysa naman magdrugs or magpakamatay. lol.
Online Friends xD
Saturday, April 3, 2010 Saturday, April 3, 2010

yoi ichinichi o~ [sa japanese; magandang araw sayo!] :D heheheh.. medyo maaga ako magpost ngayon sa blog ah.. well share ko lang muna mga pangyayari, madami nang nangyari ngayong araw na tohh kahit umaga pa lang. hahahah.. una, nangising ako ng maaga. as in, maagang maaga talaga, mga bandang 3:00am siguro gising na ako.. tapos tinext ako nung classmate ko, si Rosanne. Ayon di na ako natulog, hahah. nagtext text na lang kami. Tapos hiningi ko yung number nung isa ko pang classmate si Kenneth, edi nagtext text din kami. Tapos nag text naman sakin yung isa ko pang classmate, si Denise. Ayun, ang aga aga nagtext text na kami. lol. hahaha. kainis nga lang, malapit na malowbat cp ko nung 5:00.. grrr.. haiixxtt.. nung nalowbat na cp ko, nakatulog ulit ako. Tapos pagkagising ko, nagtext text na naman [adik ba sa cp?] xD eh di pa kami kumakain ng breakfast kasi walang tinapay!! kainis ano ba yan kahit saang tindahan dito sa subdivision namin walang tinapay x[ anu yun, tinapay shortage?? etchozz.. edi pumunta kami sa manggahan, naghagilap kami nung lintik na tinapay na yan. nakarating na kami dun sa bakery wala pa rin, dun sa isang bakery buti may burger buns tsaka monay, yun na lang pinagtiyagaan namin sa ert.. haii nku.. watever. ang noob noob dito sa pinas, grabe naglakad nga lang kami, kapagod todo todo., parang death march lang naman. hahahahahah xD
regarding pala about dun sa title nitong post ko, napansin nyo naman diba..? Happy ako kasi medyo dumadami na rin mga online friends ko tsaka meron nang mabubuting loob ang pumapansin sa bulok kong blog[jowk!] ..Thanks sa mga nakipaglink exchange sakin, umuunlad na blog ko. wew~ 70+ na hits ko. Im aiming for 500 hits so far :] hahahah.. taas mangarap nohh? okay lang di naman masama mangarap, madaming nagagawa yan.. gaya nga ng sabi ni DIVA, "mangarap ka... mangarap ka..." oh san ka pah?
Made a button!!!
Friday, April 2, 2010 Friday, April 2, 2010

:D Sa wakas may naglink na din sakin, nadagdagan, yung pinakamabilis na nagresponse, in fairness si Ayah.. heheh
Hi Ayah,
Thanks po sa pakikipag link exchange :)

Sa others naman na ininvite ko din makipag link ex, sana pumayag kayo, pag kayo di nagresponse, idedelete ko na lang mga link nyo xD hahaha kaya ilink nyo na ako jan sa mga website nyo within 1 week. another concerns, gumawa na pala ako ng button para sa blog ko!! yeyy!
ImChaline

please sa iba kung gusto nyo mag-support sa blog ko, please pakilink na lang , copy nyo yung code ng button dun sa sidebar :] thanks! please tag nyo na lang ako kung nilink nyo ako para ilink ko din kayo. yan lang muna sa ngayon.
Biyernes Santo

busy busy-han ako ngaung araw na tohh ah.. hahaha jowk! well, Biyernes Santo ngayon diba?? nagfafasting kami ng family ko.. hahah, di naman yung fasting na as in di na talaga kakain, i mean kumakain pa rin kami pero di kami nagsnack, bbawal yun, breakfast, lunch tsaka dinner. wew~ okay lang yun mabubuhay pa nman ako kaso nga lang medyo, ndi, lalo palang tumahimik ang earth, sayang gusto ko pa naman mag magic sing ngayon.. wrong timing nohh.. tsaka nagpaload pala ako ng unli30, kaya kayo jan kung isa ka sa mga taga-st.francis or hindi, basta alam mo number ko, itext mo ako ha! hahaha xD unlicall nga din ako eh pero siguro malapit lapit na din yun mag expire.
bukod pa jan, sino ba sa inyo may mga blog? Pa-link exchange naman ohh.. kung gusto nyo makipag link exchange sakin, click nyo lang yung link na 'CONTACT ME' dun sa Sidebar :] pwede nyo rin yun gamitin sa ibang bagay , example kung gusto nyo personal communication sakin, kaso sa email ko yun dumideretso, kaya kung di naman private or importante yung sasabihin nyo, pwede bang sa 'Tagboard' nyo na lang ilagay? Gets nyo diba? Naglagay din ako ng 'addthis' button, kung gusto nyo magsubscribe, ibookmark or ishare sa ibang friends nyo yung blog ko, click nyo lang yung button nun, nasa sidebar sa 'Flashback' :] ayan, guyz yan lang muna sa ngayon.