new layout again!
Monday, April 19, 2010
Monday, April 19, 2010
inabot ako ng 2 years sa paghahanap ng bagong layout! at 10 years sa pag aayos ng 'More About me' ko xD bago na sya in fairness i like it na! tsaka about sa bagong layout, im in luv with it. kung di nyo type bahala kayo. basta ako gusto ko yung bagong layout kasi adik ako ngayon sa
retro.
sana worthful yung pag aayos ko sa more about me ko.. please check out nyo naman kung may time kayo.. medyo tag-lish nga yun eh.. yung ibang taga outer space maiintindihan nyo naman siguro yung iba dun sa mga nilagay ko. ayun, ang daming taga st.francis ang online ngayon sa facebook . speaking of classmates, birthday pala ngayon ng classmate ko na si
Racel. gosh, iniinvite pala ako nung mama nya na pumunta sa bday nya.. eh masyado akong busy, bukod pa dyan wala akong panregalo, wala akong pamasahe, wala dun yung iba kong ka-etchozera, wala ako sa mood at nag-away kami nung racel na yun. hahaha. akalain mo yun? ayoko lang kasi yung mga paimportanteng tao, at ganun sya.! haha. well, nevermind, di naman sya serious na away pero i don't mind it. kunyari na lang walang nangyari ;] ang bait ko talaga masyado akong forgiving. hahahahahhaha. jowk! well, basta ireremind ko ulit, tingnan nyo ulit yung more about me ko kasi nag effort ako dun ng todo. papalitan ko pa yung color ng tagboard ko. :) buong maghapon na akong nakaupo dito sa harap ng comp at sa katunayan di pa yata ako naliligo.. hehehe. ang init na, trip ko na maligo pagkatapos nitong post na toh.
para naman sa mga
minamahal kong kalink exchange;
kamusta naman kayo? di na yata kayo nagpaparamdam huh..well good luck sa ating mga blog.
remind ko lang yung
Bakemonogatari, isang episode na lang at matatapos ko na sya.!!! di ko mahanap kahit saan yung last episode, episode 15. tsubasa cat part five x[ grr.. please kung sino man sa inyo ang nakakaalam kung san ko yun pwedeng panuorin ng online stream or kahit download, please iinform nyo ako sa tagboard :D naadik na talaga ako sa anime na yun, nakakahook up talaga sya kaya sana panuorin nyo din kung may time kayo :) nice choice, kung mahilig kayo sa conversational shows, Bakemonogatari ang magandang panuorin :D
yan lang muna ngayon, pagod na ang aking brain, kanina pa ako paikot ikot dito sa net.